Mendiola sinugod ng nakahubong out-of-school youths
"PANSAMANTALANG nawindang ang takbo ng buhay sa paanan ng tulay ng Mendiola sa University Belt Area sa Sampaloc, Maynila kahapon ng umaga matapos sumugod dito ang tinatayang 15 "out of school youth" na pawang walang mga saplot sa katawan upang ilantad ang umano'y "kakulangan" ng suporta ng pamahalaan sa sektor ng edukasyon.

Muntikang magkabanggaan ang mga pampasaherong jeep at iba pang sasakyan na tumatawid sa sangangdaan ng Mendiola, Legarda at Claro M. Recto Ave. nang sabay-sabay na inilantad ng mga aktibistang "maskulados" ang kanilang mga "jumbo at regular hotdog" na tinatakan ng slogan na "Edukasyon Para Sa Lahat!"
Maging ang mga tauhan ng Western Police District na nagbabantay sa tulay na tagos ng palasyo ng MalacaƱang ay na-bato-balani at nanigas sa kanilang kinatatayuan habang napatakip naman ng mata at napa-Ay ang mga coed ng Centro Escolar University at La Consolacion College na nagdaraan sa lugar. Sinukat naman ang mga nagpoprotestang aktibista ng malalagkit na tingin ng mga nagdadalagang-binata ng San Beda College.
Ayon kay Leonardo delos Reyes, ginamit lang nila ang kanilang mga katawan upang ipakita ang pagkukulang ng pamaha-laan sa mga kabataan.
Aniya, hindi umano binibigyan ng pamahalaan ng pagpapahalaga ang edukasyon kung kaya't patuloy na dumarami ang mga out-of-school youth bukod sa patuloy na bumabagsak ang kalidad ng edukasyon.
Inulan naman ng kantiyaw ang mga hindi makapormang pulis kung kaya't walang naaresto sa mga bagong pantasya ng Mendiola."
update: one was arrested, the lookout who was fully clothed. teee-heee-heee. go, YS!


0 Comments:
Post a Comment
<< Home